Wednesday, November 23, 2011

Demotivated [?]

It seems like several times I look to the bottom right part of my desktop, the clock looks like a countdown timer to me. Waiting.. Waiting for 6:30pm. Ambagaaaaaaaaal! Parang naiisip ko na lang at times like this, hanggang kelan ganito? Wala ako magawa. Wala din naman pinapagawa sa akin. The hard part is to pretend a big portion of my work hours busy. Busy-busyhan sabi nga. Lalo na kung may boss. Actually sobrang nakakabored. I feel so unproductive. Feeling ko din unti-unting namamatay mga brain cells ko. Nakakawala ng gana. ‘Yung work ko kasi may peak season lang. At talagang ngaragan. Pero pag ordinary days lang, nganga lang hehe (mi ginagawa ako pero minimal lang). It's very awkward pa when times my other officemates are very busy doing their tasks samantalang ako wala na magawa. Pumapasok nga sa utak ko, ‘di kaya ididisolve na ‘yung position ko? O kaya ako ‘ung ididisolve? ‘Wag naman sana. Hindi pa ko handa haha. Pag hindi ko na kaya ang nakababaliw na pagkabagot sa loob ng apat na sulok ng departamento namin, fieldwork lang ang paraan. Di nga lang kasi lagi-lagi pwede magfield. Minsan tuloy nagkakasala ako sa office. Like doing things na hindi dapat. Downloading music & movies, Blogging (tulad ngayon), pati Android shopping (salamat sa company wifi) at pagkuha ng mga larawang tulad ng nasa ibaba. =]



Well at least, nababawasan ang boredom ko pag ganito haha. I love my job. Hindi naman ako nanghihingi ng sandamukal na trabaho, ‘yung tama lang sana. Konting pagbabago lang sana sa distribution of work load. But kung tataasan ang salary para sa sandamukal na work, as long as I can, negotiable naman ako. =]

2 comments:

  1. haahaha!todo chika ka nalang sa iba mong kasamahan para di mainip!

    ReplyDelete
  2. oo nga eh.. yahoo messenger para hindi masyadong halata hehe.. =]

    ReplyDelete