Friday na naman. Tapos long weekend uli. Saya. After work diretso agad ako uwi sa home province ko, ang Nueva Ecija. =] Actually, tinatamad ako umuwi. Matrapik, maulan, nakakapagod at magastos. Tapos pagdating dun, malayo sa magagarang galaan at mailap na koneksyon ng internet. Eh bakit nga ba ako uuwi? Minsan kasi nakakamiss ang amoy ng mga damo, ang konting tao at ang aking kwarto. Pero hindi yaan ang dahilan ko ngayon haha. May family bonding daw kami. May imi'meet si erpats na relative somewhere north. Ilocos. Though meron daw low pressure ngayon, hindi nito napigilan angh sarili ko upang maghanap na pwedeng puntahan sa Ilocos. Beaches pa ang aking nakita. among my searches, eto 'yung nagustuhan ko. Oo, yaang larawan sa baba. Santiago Cove at Santiago, Ilocos Sur. =]
I'm crossing fingers na sana mapuntahan namin 'yan at i'experience ang tahimik (at simple?) na buhay na malayo sa ingay ng mga sasakyan, polusyon at ang crowded ng kabihasnan. Also looking forward sa mga tanawing nakabubusog sa mata haha. At siyempre a great bonding with my family. =]
Salamat sa mga kapatid nating Muslim for their holiday. Masulit sana ang long weekend na ito. Enjoy the weekend peepz! Stay safe.
No comments:
Post a Comment