Wednesday, December 31, 2014

2015

Di ko alam kung matutuwa ba ko sa darating na bagong taon. Siguro. O dapat lang. Kasi hindi ko naman talaga siya mapipigilan. Hindi naman siya hihinto para sa aking lang.

Feeling ko magiging mas challenging ang taon na ‘to. Kinakabahan ako. Natatakot. Siguro dahil naging masaya ko, pero sa pagdating ng panibagong taon, maari itong mawala. Siguro rin dahil kailangan ko nang sumubok ng mga bagay na hindi ako sanay.


Ang gusto ko lang sa huling araw ng taong 2014, maiwanan ko lahat ng worries ko, i-enjoy ang mga posibilidad ng pwedeng mangyari sa susunod na taon at sanayin ang sarili na mag-isip lang ng sapat. Tigilan na muna ang mga what ifs, at maging masaya na lang muna kung ano ang meron.

At sana ganun lang nga kadali lahat 'yun. Kasing dali ng pagkurap ng mata. Kasing dali ng paghinga.


Tuesday, September 16, 2014

Over & Under


Overwhelmed na ko sa work. Madalas nang nagkakasabay sabay yung functions ko. Hindi ko alam kung kaya ko naman talaga or nadedemotivate lang ako. Pero tingin kaya ko naman eh. Multitasker naman ako (?). It's just that I feel under compensated. I started working for a second function 18 months ago but still wala akong nararamdamang pagbabago aside from my additional workload. Oh well, may nabawas naman, kaso 'yung isa pa sa pinakanag-eenjoy akong ginawa. Ang pagtravel. Fieldwork. Madalas tuloy napapaisip ko if I am still working well or di ko na nagagawa ng maayos job ko. Pwede naman sanang sabihin. Sa previous assessment naman sakin, I'm working good naman daw. So ano kaya?

Ang direction ngayon ng company namin is towards rendering high fidelity experiences. Eh ako mismo feeling ko di ko naman 'to natatanggap ngayon sa company, kaya siguro feeling ko nabibigatan na rin ako.

Okay naman ako sa mga katrabaho ko. Masaya ko sa kanila. Mabait naman yung boss ko. Masyado lang kaya siyang busy? Pero 18 months na eh. Wala naman ata akong hinihintay. Over due na ata ang paghihintay ko. Hanggang sa career ba naman eh waiting in vain ako? Undervalued? Ewan. Thankful naman ako for new learning and experiences pero hindi naman sana puro ganun lang. Di ko naman maipangbabayad 'yan sa renta ng bahay, credit card bills at daily expenses ko.

May point naman siguro 'tong grievance ko noh? Hehe. Sorry dito ko pa lang kayang sabihin. Ewan ko kung bakit wala akong lakas ng loob. Mahina ako sa confrontation.Sabi ko na lang tapusin ko na lang hanggang end of the year which will mark my 5th year in the company. Galaw galaw na siguro ko. I need to move on. I need to support my sister na rin kasi for her schooling. Matanda na for work si erpats. Picture pa lang din ang dream house ko. I can't even buy a new quality laptop.

Plan A. Magaabroad na lang muna ko. Sana swertehin ako dun para makapag-ipon. Mag hosto kaya ako? Kaso over qualified ako hahaha. Jk. It's the other way around. :P

Plan B. Maghahanap na lang ako ng higher job offer dito sa Pinas. Hindi pa ko malalayo sa family ko. At sana ganun lang kadali 'yun. Pero hindi eh. Hindi. Sigh.

Eto na talaga ang tunay na buhay. Nasan na ba 'yung magiging katuwang ko? Haha. Don't worry di naman ako aasa sa'yo. Alam ko na may iba ka pa ring priorities. Okay na sakin na isa ka sa magiging inspirasyon ng pagsisikap ko. :) 'Yung kahit pagod na pagod ako, makita lang kitang okay at masaya, solb na ko. 'Yung maramdaman ko lang na masaya ka for having me, may oras ka sa akin at sure tayong dalawa na minamahal natin ang isa't isa, sapat na sakin 'yun.


Teka. Lovelife chapter na ata ang kuda ko. Next post na lang uli. Gumaan naman na pakiramdam ko kahit papaano. Tulog na muna ko. Goodnight. :')



Image Source: https://plus.google.com/+BrewerDigitalMarketing/about

Sunday, September 7, 2014

ENTANGLED


Every beat feels so good

No words to explain

This blissful mood

A scalene of cruel chance

Now & yesterday

Gone out of hands

Love is what I'll fight for

Embrace me Now,

Don't let me go.

Sunday, August 31, 2014

Espesyal


August. Dahil siguro ito 'yung birth month ko kaya espesyal para sa akin ang buwang ito. Pero ngayong taon, hindi lang siya espesyal. Maybe one of the most memorable.

This month, I personally met someone. We've been following each other on social media for more than a year or two prior to our meet up. Support buddies pa nga kami eh. Everything went well on our first meet up. Magaan ang loob ko sa kanya and I can say that time I already like him.

Nagkita pa kami uli for the second time. Mas komportable sa isa't isa. Masaya sa mga kwentuhang hindi ko na matandaan. All I can remember was I'm with him and he's with me. Happy. We spent the night together and it was so much special. At nasundan pa uli iyon. Sabi ko sa sarili ko, sakin na lang siya. There's something that makes him so special to me.

Kaso may mga bagay na planado na. Minsan nagiging komplikado ang hindi naman dapat. Alam ko naman bago pa 'yung second time kami nagkita may gusot na. Pero minsan lang ako makaramdam ng ganun. Sobrang sarap sa pakiramdam. Kaya I took the risk. Hopeful ako na pwede pa namang maging okay ang bagay bagay sa aming dalawa. Kung hindi man ngayon, siguro darating din ang tama naming panahon. :')




Wednesday, August 27, 2014