Tuesday, November 1, 2011

Temporary Home

"This is my temporary home It's not where I belong. Windows & rooms that I'm passin' through. This is just a stop, on the way to where I'm going. I'm not afraid because I know this is my temporary home."


Ayon napakanta lang hehe. Wala kasi akong maisip na title. Ang panget kasi kung RIP, ang gloomy ng dating. Kung All Saints Day naman, napaka'common. Kaya 'yan, temporary home na lang. =]

As usual, we visited our relatives in peace sa province. Parang kailan lang kasama pa namin si lola. Nakakamiss. The way na pagalitan niya ako, pag pinagtatanggol niya ko pag papaluin ako ni ermats, ung pag'gagarden namin when I was young, paggawa ng polvoron at marami pang iba. Ambilis din ng pangyayari when she was diagnosed na may cancer siya at stage 3 or 4 na. Wala pa atang 1 year from that time, she rested in peace.

The two other names diyan sa lapida is my lolo and cousin. My lolo died when my ermats was only 9 year old. So for sure hindi pa ko nabubuo nun. Batang-bata pa si ermats. My lolo went swimming sa ilog malapit sa kanila, pinulikat & drowned. This was a sad Christmas.

My cousin and I share the same birth year. Nauna lang siya ng konti. According kay ermats, sabay kami nagkasakit that year. Unfortunately 'di siya naka'survive. I think kung nabuhay siya, siya pinaka'close ko among my cousins.

Latest relative who passed away in our bloodline was my uncle in my ermats side & my lolo at my father side. Wala sila diyan sa lapida. On process pa.

When I was young close ako dun sa uncle ko. He was one of the blacksheep daw sa family. Nagkasakit siya. Anemia ata tapos na'stroke. From then on, one good thing about my uncle, nakuha niyang magbago for the good. Nang ma'stroke siya for the second time, ayon.. alam na.

My lolo sa father side hindi kami ganun ka'close. I felt bad when he died, not because he died but because hindi ko masyadong naramdaman 'yung pagkawala niya. I just hope before he left naging okay naman ang buhay niya.

Wooaah buhay nga naman. Napapadaan lang talga tayo sa earth. Temporary lang talaga. Thank God because He let us experience life. Though minsan rough, He never fails to save us pag hindi na natin kaya. May pagka'emotero man ako minsan, and have suicidal thoughts, I can say na we should enjoy life. For it is a precious gift, a present to be enjoyed not to be wasted. At pagdating ng time na tinawag na tayo ng puting ilaw, I guess it feels so good leaving all things okay at walang regret.

That's it. Carpe diem na lang sa mga buhay, Enjoy peace sa mga sumakabila na. Happy All Saints Day sa ating lahat! =]

2 comments:

  1. it's always positive na isipin na hiram lang talaga ang buhay natin, para di tayo matakot na mamatay. pero syempre nakakatakot pa din :)belated happy all saints day too! :)

    ReplyDelete
  2. Its nice to see pala na may nag'cocomment sa post. Its feels good na nabubuksan ng iba ang blog ko. You're the first. Thanks zaizai. =]

    ReplyDelete