Anong meron kay 11.11.11? Hmmmm.. Bukod sa promo ng Mang Inasal, kasalang bayan, at sa bagong video ni Katy Perry, ano pa bang meron sa petsang ito? Looks nice lang, kasi puro uno? puro onse? at siguro minsan lang dadaan ang petsang ganito. Oo nga naman. Kasi next year 12.12.12 naman ang eeksena.
Kasalukuyan akong nasa opisina ng araw na ito. Wala bang mangyayaring something out of my routine sa petsang ‘to? Wala lang. Para my souvenir lang ako kay 11.11.11 hehe. Fieldwork nga pala ako with my officemate sa Tanay at Antipolo. Hapon na kami umalis sa office. Akala ko kapitbahay lang ni Tanay si Cainta, mali pala ang hinuha ko. Mahaba-haba pa lang biyahe at natyempuhan pa ang kainitan ng araw. After more than 2 hours na biyahe from Starmall, narating na namin ang Tanay. Sarap na simoy ng hangin. Amoy probinsya. Dumiretso na agad kami sa aming pakay dahil dumidilim na. 5pm pa lang pala. After about an hour pabalik na kami. Mas matagal pa ang biyahe. Bumaba kami sa Antipolo para sa huli naming pakay - ang bakod ng upcoming Robinsons Antipolo at ang bakod ng katapat niyang Public Market. May kadiliman na kaya ang hirap magpicture picture at hirap pumwesto ng shot dahil tabing highway talaga siya with matching rumaragasang mga jeepney.
Habang binibigyang pictorial ang mga bakod, may lumapit sa kasama ko na isang lalaki. Siguro nasa early 40s na siya. Construction worker daw siya sa ginagawang public market. Habang kinakausap niya ang kasama ko, tuloy lang ako sa pagpicture. Narinig ko na lang na pinaguusapan nila ay puro krimen along Antipolo. Mga modus at kung anu-ano pa. Siyempre kinabahan naman kami ‘nung kasama ko. Tapos wala pang masyadong bahayan at tao sa lugar namin. Nang may dumaan papalapit na mga sasakyan, nakita ng kasama ko na may inilabas na folding scissors si manong. Naalarma pala ang kasama ko kaya pala hinila na lang niya ako bigla sumakay sa tricycle na dumaan. Si manong naman ay sumakay sa kasunod na jeep. Pagsakay ng trike, tinanong ng driver kung saan daw kami. Naisip na lang naming dumaan ng Cloud 9. Kaso hindi pala siya dadaan ‘dun kaya ibinaba niya na lang kami sa may sakayan ng jeep.
My 11.11.11 Souvenir. =] |
Jeep na. Ilang zoom lang ni manong tsuper sa accelerator, Cloud 9 na kami. Nawala na ang aming kapraningan habang inaakyat ang daan papasok. Tumigas ang gastrocnemius ko dun haha. When we got there, hanap agad pwesto kaso wala na ‘yung sa gilid near the view. No choice kaya kahit saan na lang kami umupo. Order kami ng Manila Beer at Chili Chicken wings with rice plus ‘yung waiter na isa sana hehe. As usual picture taking kami at palitan ng paulit ulit naming talambuhay at kung kanino pang buhay. Wheeew relaxing. Sana next time kasama ko si kulot pagpunta ko ulit dito. =]
No comments:
Post a Comment