Thursday, December 8, 2011

Not My Lucky Day

Yesterday night was our Corporate Christmas Party. Ayon sapat lang naman. So-so. Just enough to kill time. Iba ang Christmas Party na 'to. Mas masaya pa rin sakin ang last year. This time kasi marami nang pagbabago at nagbabago especially with our department. Aside from the whole company Christmas Party, meron pa kaming party for our department lang. Parang 'yang larawan sa baba. Nakakamiiiiiss. =']


Ngayon wala ng mangyayaring ganyan. Kahit pichur taking wala na. Kaka'sad lang. But I know meron namang reasons for the changes. Siguro nasa transition pa lang, looking forward for a good outcome.

Well balik sa Christmas Party kagabi. Buti na lang guest si Ate Gay. Nakakahalakhak pa rin siya. Medyo tahasan nga lang ang green jokes niya na 'di mo mapapanood on TV. =]


One of my reasons for attending the party - the RAFFLE DRAW. haha. Last year kasi nakapaguwi naman ako ng Steamer na bago pa rin ngayon. Pero its not my day, kaya kahit consolation wala akong nakuha. Bigo. =[

Yosi na lang muna sa labas for a while with other workmates. Then nagkayayaan sa isang ganap after the party. Quattro daw. Nabuhay naman ang dugo ko hehe. Namiss ko na kasi uminom. And then came the uwian portion. Siguro its been an hour na pinaguusapan if we're going to take a light booze. Girls lahat pala mga kasama ko at may opposite sex ko hehe. After the deliberation, next time na lang daw. Haha. Uwian na lang. Amp. Ganun ba talaga ang mga kababaihan? Peace out. =]

"Manong tabi na lang po." Dahil sa nabigong inuman, I dropped by to 7/11 na malapit samin to buy beer. Ewan ko ba kung bakit alak na alak ako that time. Ganun siguro talaga ako when I have too much energy in my body para gumala or to enjoy the night tapos 'di ko naman mailalabas.. Paglapit sa malaking fridge, may tarp na nakalagay. "QUEZON CITY LIQUOR BAN - 10:00pm to 8am". Nice. Oo na uuwi na lang. Naglalakad na. Eto na. Amp.

At home para mabawi ang pagkauhaw ko sa alak, pinuntahan ko ref namin. I ended up drinking Vita Milk haha. Ayon at itinulog ko na lang ng mahaba dahil half day naman ako bukas.

No comments:

Post a Comment