Wednesday, November 23, 2011

Demotivated [?]

It seems like several times I look to the bottom right part of my desktop, the clock looks like a countdown timer to me. Waiting.. Waiting for 6:30pm. Ambagaaaaaaaaal! Parang naiisip ko na lang at times like this, hanggang kelan ganito? Wala ako magawa. Wala din naman pinapagawa sa akin. The hard part is to pretend a big portion of my work hours busy. Busy-busyhan sabi nga. Lalo na kung may boss. Actually sobrang nakakabored. I feel so unproductive. Feeling ko din unti-unting namamatay mga brain cells ko. Nakakawala ng gana. ‘Yung work ko kasi may peak season lang. At talagang ngaragan. Pero pag ordinary days lang, nganga lang hehe (mi ginagawa ako pero minimal lang). It's very awkward pa when times my other officemates are very busy doing their tasks samantalang ako wala na magawa. Pumapasok nga sa utak ko, ‘di kaya ididisolve na ‘yung position ko? O kaya ako ‘ung ididisolve? ‘Wag naman sana. Hindi pa ko handa haha. Pag hindi ko na kaya ang nakababaliw na pagkabagot sa loob ng apat na sulok ng departamento namin, fieldwork lang ang paraan. Di nga lang kasi lagi-lagi pwede magfield. Minsan tuloy nagkakasala ako sa office. Like doing things na hindi dapat. Downloading music & movies, Blogging (tulad ngayon), pati Android shopping (salamat sa company wifi) at pagkuha ng mga larawang tulad ng nasa ibaba. =]



Well at least, nababawasan ang boredom ko pag ganito haha. I love my job. Hindi naman ako nanghihingi ng sandamukal na trabaho, ‘yung tama lang sana. Konting pagbabago lang sana sa distribution of work load. But kung tataasan ang salary para sa sandamukal na work, as long as I can, negotiable naman ako. =]

Sunday, November 20, 2011

Cahocater Diet

Imbento ko lang ang pangalan ng diet na 'yan. Nabuo lang from the ingredients. CAlamansi, HOney, CAyenne pepper at waTER. The honey must be organic daw. Actually 'di ko alam kung tama 'yung ginamit kong honey. "Honey Bee" lang kasi ang label niya tapos wala na. Hope I got the right one. The concoction was derived ata from a lemon diet kaso mas economical ang ingredients nito. =]


I got this diet from jetlander's blog. Gaya-gaya lang. Hehe. Para lang kasing simple. The hard part is to control what I'm eating. I drank the concoction last night. Tapos I jogged this morning before I went to work. So far okay naman siya. Nawa'y masustain ko ang diet na to pati ang pagising ng umaga to jog hehe. Hinila ko lang kapatid ko kanina para may kasama ko mag jogging. Anlungkot kasi pag mag-isa. Kaya ngayon I'm looking for a jogging buddy. 4:45am-5:30am, weekdays, around SM North Edsa. Anyone? Haha. Oh siya 'yun na lang muna. Have a nice day sa lahat!

Monday, November 14, 2011

Bloody Cravings

There are times talaga that I really crave for bloody movies. More gore more fun. Nakaka'excite hehe. Last night I watched Wrong Turn 4. Typical story line. It's not as gory as I expected. Pero okay naman para sakin. Kahit papano napawi ang cravings ko haha. Mas okay sana kung more guys 'yung cast eh. . Iba kasi ang dating for me 'pag guys ang pinahihirapan at pinapatay. Lalo na those good looking and/or hunky type. Insecure ata ako sa kanila. Ang weirdo ko ba? Sinong nakakarelate sakin? hehe.


Looking forward to the 3rd Hostel movie. Sana meron agad ako makuha sa pirate bay na dvd copy. =] Ang hirap na kasi bumili ng pirated dvds ngayon hehe.


At ayon nashare ko lang naman. Wala kasi magawa. Tapos na tasks ko. Hirap umimbento ng gawain at magpanggap. Now committing internet cyberslacking haha. Ikaw anong movies trip mo? =]

Sunday, November 13, 2011

11.11.11

Anong meron kay 11.11.11? Hmmmm.. Bukod sa promo ng Mang Inasal, kasalang bayan, at sa bagong video ni Katy Perry, ano pa bang meron sa petsang ito? Looks nice lang, kasi puro uno? puro onse? at siguro minsan lang dadaan ang petsang ganito. Oo nga naman. Kasi next year 12.12.12 naman ang eeksena.

Kasalukuyan akong nasa opisina ng araw na ito. Wala bang mangyayaring something out of my routine sa petsang ‘to? Wala lang. Para my souvenir lang ako kay 11.11.11 hehe. Fieldwork nga pala ako with my officemate sa Tanay at Antipolo. Hapon na kami umalis sa office. Akala ko kapitbahay lang ni Tanay si Cainta, mali pala ang hinuha ko. Mahaba-haba pa lang biyahe at natyempuhan pa ang kainitan ng araw. After more than 2 hours na biyahe from Starmall, narating na namin ang Tanay. Sarap na simoy ng hangin. Amoy probinsya. Dumiretso na agad kami sa aming pakay dahil dumidilim na. 5pm pa lang pala. After about an hour pabalik na kami. Mas matagal pa ang biyahe. Bumaba kami sa Antipolo para sa huli naming  pakay - ang bakod ng upcoming Robinsons Antipolo at ang bakod ng katapat niyang Public Market. May kadiliman na kaya ang hirap magpicture picture at hirap pumwesto ng shot dahil tabing highway talaga siya with matching rumaragasang mga jeepney.


Habang binibigyang pictorial ang mga bakod, may lumapit sa kasama ko na isang lalaki. Siguro nasa early 40s na siya. Construction worker daw siya sa ginagawang public market. Habang kinakausap niya ang kasama ko, tuloy lang ako sa pagpicture. Narinig ko na lang na pinaguusapan nila ay puro krimen along Antipolo. Mga modus at kung anu-ano pa. Siyempre kinabahan naman kami ‘nung kasama ko. Tapos wala pang masyadong bahayan at tao sa lugar namin. Nang may dumaan papalapit na mga sasakyan, nakita ng kasama ko na may inilabas na folding scissors si manong. Naalarma pala ang kasama ko kaya pala hinila na lang niya ako bigla sumakay sa tricycle na dumaan. Si manong naman ay sumakay sa kasunod na jeep. Pagsakay ng trike, tinanong ng driver kung saan daw kami. Naisip na lang naming dumaan ng Cloud 9. Kaso hindi pala siya dadaan ‘dun kaya ibinaba niya na lang kami sa may sakayan ng jeep.

My 11.11.11 Souvenir. =]
Jeep na. Ilang zoom lang ni manong tsuper sa accelerator, Cloud 9 na kami. Nawala na ang aming kapraningan habang inaakyat ang daan papasok. Tumigas ang gastrocnemius ko dun haha. When we got there, hanap agad pwesto kaso wala na ‘yung sa gilid near the view. No choice kaya kahit saan na lang kami umupo. Order kami ng Manila Beer at Chili Chicken wings with rice plus ‘yung waiter na isa sana hehe. As usual picture taking kami at palitan ng paulit ulit naming talambuhay at kung kanino pang buhay. Wheeew relaxing. Sana next time kasama ko si kulot pagpunta ko ulit dito. =]

Wednesday, November 9, 2011

Eksena Sa Bus

Same ordinary day. As I stepped in the bus going to Ortigas, as usual punuan na naman. Tayuan ang eksena. Pero pagdating naman sa MRT, mababawasbawasan naman ang pasahero at makakaupo ka na. Dahil ayaw umasog ng ibang pasahero sa loob, ako ang pumunta sa dulo and fortunately may libre namang upuan. Ayos window seat. Siguro bandang Q-mart na ng bumaba 'yung aleng katabi ko at may pumalit na isang guy sa kinauupan niya. So dedma lang di naman kasi siya ka'gwapuhan haha. He looks neat naman, naka'business attire at may dalang gym bag. Nang nasa may Aurora na kami, may naramdaman akong kumikiskis na siko sa side ko. Una, dedma. Pangalawa dedma pa din. Kanta na lang with Bruno Mars ng Grenade. Pangatlo dedma ko pa din. Ayoko talagang mag'assume. Until nakarating na kami lagpas Farmers. I felt his right leg leaning to mine. So parang kakaiba na talaga. I stared at him na may konting inis and just pretended to sleep na lang. Huminto ng konti ang malikot niyang katawan. Kala ko titigil na siya. I was wrong. I felt the tip of his fingers running under my left arm. Oh my. Di na talaga siguro ako nag'aasume haha. Don't know what to do. Di kasi ko sanay sa ganung eksena. Kinabahan ako ng very light kasi pumasok din sa isip ko ang possibility ng hold-up. Pero hindi naman pala. Makati lang talaga si kuya. Bumiling ako ng konti facing the window para di ako madikit sa kanya. Amfufu, di pa rin natigil si loko. Buti na lang, nagtawag na si manong konduktor ng bababa before Ortigas. At ayon nakalayas din sa tabi niya. Whew! What an experience to start my day. Tapos napag-isip ako as I walked my way to our office. What if gwapo pala siya? yummy? will my reaction be the same? Napangiti na lang ako. =]

Tuesday, November 8, 2011

Now Accepting Starbucks Stickers =D

110811. My first sticker for Starbucks Planner 2012.
Umpisa na naman pala ng pangongolekta ng Starbucks stickers. Last year nakakuha naman ako ng planner. Kaso hindi ko din siya masyado nagamit. Feeling ko kasi kapag sinulatan ko siya mabababoy hehe. January to March lang ako my entries. Planner turned out journal siya then later on photo album tapos wala na. Half brand new pa siya. =]

Starbucks Planner 2012
The Starbucks Planner 2012, mas handy kesa sa last year. Cute. Mas konti ang spaces para sulatan na sana masulatan ko na at may pouch bag pa siya ngayon. Sana mas maraming discount coupons this time. =]

Monday, November 7, 2011

Long Weekend. Northern Luzon Trip. =]

Eto na. Natuloy naman ang family bonding namin dahil sa long weekend. =] We went to Manaoag - Dagupan - Sta. Lucia - Vigan. Unfortunately dahil nagbabad kami masyado sa dagat kinulang kami ng oras. Sinabayan pa ng malakas na ulan kaya 'di ko napuntahan ang Santiago slash Sabangan Cove at i'explore pa ang Vigan. Special thanks sa pinsan ni erpats na kumupkop samin na very accomodating. Below are some of my pictures during the trip. =]

Daan muna sa Manaoag. Bait-baitan. =]
Nice bridge, river at kapaligiran going Vigan.
Black Sand @ Sta. Lucia Beach, Ilocos Sur. The black color is due to the mined iron ores daw.
Our Masterpiece. Kastilyong Buhangin turned out Earthworm Towers hehe.
Ang alon at si Keso. F na F ang dagat. =] Clean at hindi pa crowded. Wala nga lang aura hehe.
Pauwi na. Haba ng byahe. Andaming tulog. Andaming pagod.
Semi-Sunset. =] Nueva Ecija na sa wakas. Lapit na makauwi. Sulit na weekend!

Thursday, November 3, 2011

Buti Na Lang Sabado Bukas

Friday na naman. Tapos long weekend uli. Saya. After work diretso agad ako uwi sa home province ko, ang Nueva Ecija. =] Actually, tinatamad ako umuwi. Matrapik, maulan, nakakapagod at magastos. Tapos pagdating dun, malayo sa magagarang galaan at mailap na koneksyon ng internet. Eh bakit nga ba ako uuwi? Minsan kasi nakakamiss ang amoy ng mga damo, ang konting tao at ang aking kwarto. Pero hindi yaan ang dahilan ko ngayon haha. May family bonding daw kami. May imi'meet si erpats na relative somewhere north. Ilocos. Though meron daw low pressure ngayon, hindi nito napigilan angh sarili ko upang maghanap na pwedeng puntahan sa Ilocos. Beaches pa ang aking nakita. among my searches, eto 'yung nagustuhan ko. Oo, yaang larawan sa baba. Santiago Cove at Santiago, Ilocos Sur. =]


I'm crossing fingers na sana mapuntahan namin 'yan at i'experience ang tahimik (at simple?) na buhay na malayo sa ingay ng mga sasakyan, polusyon at ang crowded ng kabihasnan. Also looking forward sa mga tanawing nakabubusog sa mata haha. At siyempre a great bonding with my family. =]

Salamat sa mga kapatid nating Muslim for their holiday. Masulit sana ang long weekend na ito. Enjoy the weekend peepz! Stay safe.

Tuesday, November 1, 2011

Temporary Home

"This is my temporary home It's not where I belong. Windows & rooms that I'm passin' through. This is just a stop, on the way to where I'm going. I'm not afraid because I know this is my temporary home."


Ayon napakanta lang hehe. Wala kasi akong maisip na title. Ang panget kasi kung RIP, ang gloomy ng dating. Kung All Saints Day naman, napaka'common. Kaya 'yan, temporary home na lang. =]

As usual, we visited our relatives in peace sa province. Parang kailan lang kasama pa namin si lola. Nakakamiss. The way na pagalitan niya ako, pag pinagtatanggol niya ko pag papaluin ako ni ermats, ung pag'gagarden namin when I was young, paggawa ng polvoron at marami pang iba. Ambilis din ng pangyayari when she was diagnosed na may cancer siya at stage 3 or 4 na. Wala pa atang 1 year from that time, she rested in peace.

The two other names diyan sa lapida is my lolo and cousin. My lolo died when my ermats was only 9 year old. So for sure hindi pa ko nabubuo nun. Batang-bata pa si ermats. My lolo went swimming sa ilog malapit sa kanila, pinulikat & drowned. This was a sad Christmas.

My cousin and I share the same birth year. Nauna lang siya ng konti. According kay ermats, sabay kami nagkasakit that year. Unfortunately 'di siya naka'survive. I think kung nabuhay siya, siya pinaka'close ko among my cousins.

Latest relative who passed away in our bloodline was my uncle in my ermats side & my lolo at my father side. Wala sila diyan sa lapida. On process pa.

When I was young close ako dun sa uncle ko. He was one of the blacksheep daw sa family. Nagkasakit siya. Anemia ata tapos na'stroke. From then on, one good thing about my uncle, nakuha niyang magbago for the good. Nang ma'stroke siya for the second time, ayon.. alam na.

My lolo sa father side hindi kami ganun ka'close. I felt bad when he died, not because he died but because hindi ko masyadong naramdaman 'yung pagkawala niya. I just hope before he left naging okay naman ang buhay niya.

Wooaah buhay nga naman. Napapadaan lang talga tayo sa earth. Temporary lang talaga. Thank God because He let us experience life. Though minsan rough, He never fails to save us pag hindi na natin kaya. May pagka'emotero man ako minsan, and have suicidal thoughts, I can say na we should enjoy life. For it is a precious gift, a present to be enjoyed not to be wasted. At pagdating ng time na tinawag na tayo ng puting ilaw, I guess it feels so good leaving all things okay at walang regret.

That's it. Carpe diem na lang sa mga buhay, Enjoy peace sa mga sumakabila na. Happy All Saints Day sa ating lahat! =]