Wednesday, September 5, 2012

THE PHOTOGRAPHER


Petiks day today. Hindi dahil sa wala kaming boss, wala na talaga ko gagawin. As usual I resorted to cyberslacking. Habang naghahalukay nang kung anu-ano sa cyberspace, searching for random images, I landed at BJ Pascual’s blog. That name sounds familiar to me. Parang nabasa ko na name niya before but I don’t know who really is. As I remember he’s a photographer. A successful one.

I browsed his posts and I was captivated by his shots. Celebrity photographer pala siya. May buhay ‘yung mga kuha. Kasi kahit ‘yang nakapark na bulok na truck na 'yan parang may gustong sabihin. Nagiging artistic. Kuha pala niya niyan.


Nafrustrate na naman tuloy ako haha. Being a photographer is one of my frustrations. It’s like I want to make a story in every click of the shutter. Appreciate any subject and show beauty even in chaos and disfigurement. Feeling ko mas maeexpress ko ‘yung sarili ko. And I will surely be enjoying doing this.

Siyempre hindi mwawala ang fantasy ko to do a photoshoot with good looking people. Specially kung ang tema ay mala-bench body or cosmo bachelors. Kahit minimal lang ang bayad okay lang sakin haha.

Well, seriously I have plans of taking photography class kaso wala pa talagang budget. Camera palang, parang ilang taon ko pang pag-iipunan. Sponsors? Kahit used camera basta working tumatanggap ako haha. And sana pag may bonggang camera na ‘ko maturuan din ako ni BJ ng photography techniques. =]

2 comments:

  1. May mga kamahalan nga mga maayos na camera and lenses...pero malay mo matuloy ang pangarap mo hehe, masayang hobby yan.

    ReplyDelete
  2. thanks sa suporta.=] dapat lang talaga matuloy. pantanggal stress na rin. isa lang naman ang sagot diyan, i need a high paying job haha. see you when i see you there hehe. =]

    ReplyDelete