Tuesday, September 11, 2012

Grandparents Day


Last week pala ay Grandparents day. Di ko lang sure what’s the exact date hehe. Salamat kay tita Charo for their tribute episode for grandparents. The story is touching. The story is about the lolas who are competing with each other to be the best lola. Pag nagkaroon ka raw pala ng apo, it’s like having your own child at kung minsan mas higit pa. Mas pampered, mas spoiled. Siguro namimiss nila ‘yung mga times na bata pa ‘yung mga anak nila. I guess they are longing for that feeling na may nilalaro sila, may nilalambing, may niyayakap-yakap, hinahalik-halikan na hindi na nila magawa sa mga anak nila dahil ‘di na sila bata.


Sabi ni ermats, isa raw ako sa paboritong apo ni lolo at lola (erpats & ermats ni ermats). Unfortunately, hindi ko na naabutan ang lolo ko ‘nung lumaki ako kaya ‘di ko masyado matandaan. Kay lola, naramdaman ko namang paborito ako. And even she already passed, isa ko sa mga piling apo na dinadalaw niya sa panaginip hehe. Ulila na ko sa lolos at lolas. Nakakamiss sila.

Balik kay tita Charo. Nang matapos ko ung episode na ‘yun, narealize ko na gusto kong bigyan ng apo yung parents ko, ‘di dahil sa gusto ko rin magkaanak kundi dahil gusto kong ipadama uli sa kanila ‘yung feeling na meron silang inaalagaan, nilalaro, at yung simple yet naguumapaw na kasiyahan sa pagmamahal ng isang bata.

Kaso ang malaking katanungan, PAANO at KANINO?? Masyado pa siguro matagal kung ipauubaya ko ‘to sa kapatid ko na katorse anyos pa lang haha. Siguro, habang iniisip ko kung paano maisasakatuparan ‘yan, what I can do for now is show to my parents how thankful I am for having them, and give the love back and make them feel that they are still needed even I’m a grown-up. =’]

No comments:

Post a Comment