Tuesday, September 18, 2012

Bigo.


Waaaaaaaaaaahhh.. Loser ako sa mga kaganapang ito. Kahit isa man lang wala akong napuntahan. Nauna na ang Bench Universe. Wala kasi akong mahilang kasama kaya nganga lang for 2 nights of their show. Sayang R-18 pa naman haha. Kaya ayun google na lang ako ng mga pics from the show.

Ngayon, September 17. Sabay ang Cosmo Bachelor Bash at concert ng Maroon 5.  I’m not that positive naman na makapunta sa Cosmo dahil ilang pa ko umatend ng ganitong event. Baka lang kasi magkaroon ako ng lakas ng loob hehe. For Maroon 5, aside that this is one of my favourite bands, gusto ko namang makita sa tunay na buhay si Adam Levine. Para kasing ang yummy yummy niya wahaha. Lakas pa ng sex appeal. Kaso lahat ng ito’y magiging alala na lang =[. Wala kasi ko nakuhanan ng tickets. Wala ding nagbigay. Aww.




Last chance ko na ang UAAP cheering competition pero hanggang ngayon wala pa rin ako ticket. Parang ‘di ko na kayang pumiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiila ng sobrang aga at makipagsiksikan on the day of event just like the old times. I feel old for this event. Pero mukhang mag-eenjoy pa naman ako kaya keri lang hehe. At kung sino man ang pwede bilan (okay lang may patong basta wag lang bwakaw makatubo) or magbigay ng ticket diyan, tweet niyo lang ako @akosikeso =].

Tuesday, September 11, 2012

Grandparents Day


Last week pala ay Grandparents day. Di ko lang sure what’s the exact date hehe. Salamat kay tita Charo for their tribute episode for grandparents. The story is touching. The story is about the lolas who are competing with each other to be the best lola. Pag nagkaroon ka raw pala ng apo, it’s like having your own child at kung minsan mas higit pa. Mas pampered, mas spoiled. Siguro namimiss nila ‘yung mga times na bata pa ‘yung mga anak nila. I guess they are longing for that feeling na may nilalaro sila, may nilalambing, may niyayakap-yakap, hinahalik-halikan na hindi na nila magawa sa mga anak nila dahil ‘di na sila bata.


Sabi ni ermats, isa raw ako sa paboritong apo ni lolo at lola (erpats & ermats ni ermats). Unfortunately, hindi ko na naabutan ang lolo ko ‘nung lumaki ako kaya ‘di ko masyado matandaan. Kay lola, naramdaman ko namang paborito ako. And even she already passed, isa ko sa mga piling apo na dinadalaw niya sa panaginip hehe. Ulila na ko sa lolos at lolas. Nakakamiss sila.

Balik kay tita Charo. Nang matapos ko ung episode na ‘yun, narealize ko na gusto kong bigyan ng apo yung parents ko, ‘di dahil sa gusto ko rin magkaanak kundi dahil gusto kong ipadama uli sa kanila ‘yung feeling na meron silang inaalagaan, nilalaro, at yung simple yet naguumapaw na kasiyahan sa pagmamahal ng isang bata.

Kaso ang malaking katanungan, PAANO at KANINO?? Masyado pa siguro matagal kung ipauubaya ko ‘to sa kapatid ko na katorse anyos pa lang haha. Siguro, habang iniisip ko kung paano maisasakatuparan ‘yan, what I can do for now is show to my parents how thankful I am for having them, and give the love back and make them feel that they are still needed even I’m a grown-up. =’]

Wednesday, September 5, 2012

THE PHOTOGRAPHER


Petiks day today. Hindi dahil sa wala kaming boss, wala na talaga ko gagawin. As usual I resorted to cyberslacking. Habang naghahalukay nang kung anu-ano sa cyberspace, searching for random images, I landed at BJ Pascual’s blog. That name sounds familiar to me. Parang nabasa ko na name niya before but I don’t know who really is. As I remember he’s a photographer. A successful one.

I browsed his posts and I was captivated by his shots. Celebrity photographer pala siya. May buhay ‘yung mga kuha. Kasi kahit ‘yang nakapark na bulok na truck na 'yan parang may gustong sabihin. Nagiging artistic. Kuha pala niya niyan.


Nafrustrate na naman tuloy ako haha. Being a photographer is one of my frustrations. It’s like I want to make a story in every click of the shutter. Appreciate any subject and show beauty even in chaos and disfigurement. Feeling ko mas maeexpress ko ‘yung sarili ko. And I will surely be enjoying doing this.

Siyempre hindi mwawala ang fantasy ko to do a photoshoot with good looking people. Specially kung ang tema ay mala-bench body or cosmo bachelors. Kahit minimal lang ang bayad okay lang sakin haha.

Well, seriously I have plans of taking photography class kaso wala pa talagang budget. Camera palang, parang ilang taon ko pang pag-iipunan. Sponsors? Kahit used camera basta working tumatanggap ako haha. And sana pag may bonggang camera na ‘ko maturuan din ako ni BJ ng photography techniques. =]