Last Sunday, I got a chance to watch this nice movie. Actually I have a copy of the book kaso nga lang hindi ko alam kung bakit tinamad akong basahin siya, kaya napunta sa hiraman at inabutan na ng showing sa sinehan. Kala ko 'nung una boring din 'yung movie pero hindi pala. Okay ang cast, ganda ng story. Nakakabata ng feeling, and siyempre 'di ko maiwasan magkaroon ng regrets sa mga bagay na hindi ko nagawa when I was younger. Hindi ko na siya ikukuwento, try to watch it or read the book na lang. Masusulit naman ang time mo. =]
Bakit nga ba wallflower? At first malabo pa sa utak ko kung ano ang ibig sabihin niyan. Para sakin eto 'yung taong parang palamuti lang na hindi kapansin-pansin. When I googled the meaning of this eto ang sabi from urban dictionary - 1. a type of loner. seemingly shy folks who no one really knows. often some of the most interesting people if one actually talks to them. cute. 2. Someone who isn't necessarily shy, but never really tells you a lot about themselves. They observe almost everything and listen to everything you have to say without criticizing or judging. These people are often the most sincere, kind, and wonderfully interesting people, yet fail to be attractive to the opposite sex for some reason.
Bigla ako napaisip, Am I a Wallflower? Oo, sabi ng utak ko. At most instances naman, I feel unnoticed, tipong andiyan lang madalas sa background. Looks boring. Thanks to all the people na tunay na nakakakilala sa akin. Pero meron ba talagang perks ang pagiging wallflower? In my case siguro, they see me as the innocent one, tipong mabait at walang kalokohan sa buhay. Pabor sakin kaso minsan hindi rin. Another thing is that I am emotionally and intellectually honed understanding other things and other people. Feeling ko lang naman hehe. Pero the sad part is that, when you are always the one who understands but oftentimes misundertood. Sigh. Meron pa ba? Wala na ko maisip pang perks. Ikaw, wallflower ka ba?
I haven't read the book and the movie yet, pero maraming nagsasabi na maganda daw to so one of these days I will check it out. Yes I was a wallflower in highschool and college at sa totoo lang hindi siya nakakatuwa. Hindi masayang hindi ka mapansin ng taong crush mo hehehe...
ReplyDeleteNgayon naman I am glad that I am anything but a wallflower. Maybe it works with some people, pero sa akin kasi hindi.
Go, check it out. =D Siguro since highschool wallflower na 'ko. At mukang sanay na ko. Maybe it works for me. Kaso kasi minsan talaga nakakabore na hehe. Minsan I crave for attention kaso di ko alam kung papaano. I won't do something naman na magmumuka akong kulang sa pansin. Or maybe talagang masyado lang akong introvert. =]
Delete