Thursday, March 1, 2012

Bissextile Day

Yesterday, February 29, 2012, kahit marami akong pagod galing sa maalinsangang fieldwork I still decided to meet kulot. Siyempre naman. Date mode uli kami and this time siya ang taya kaya pabor sa akin hehe. As usual kain muna kami then nagkulitan lang habang hinihintay ang 10pm na screening time ng The Devil Inside. Ewan ko ba kung bakit mas peg naming manood ng horror movies kesa sweet-sweetan. Last full show na kaya konti na lang ang tao, malakas na loob naming magholding hands at sandalan. =] 


The movie was good kaso bitin nga lang talaga. 'yung tipong "yun na 'yon? tapos na?". Kaya kahit ng roll na ang credits 'di pa din kami tumayo dahil baka may pahabol pa. After 5 minutes, wala na talaga. Kaya lumabas na kami. On our way out, tingin muna ako sa harap at likod. Clear. Then stole a kiss from my wako. Smack lang naman. 'Di nga lang sakto sa lips kasi mabilisan lang talaga haha.

Ako at si Kulot. =]

At pababa na kami mula sa tuktok ng mall when we noticed these two guys, siguro ung isa early 30's and the other one on his late 30's. Magkatabi bumaba sa escalator ahead of us. Though 'di sila magkaholding hands but we felt there's something between them talaga. Something sweet. Then I asked kulot, "tingin mo aabot kaya tayo ng ganyan?" "Sana.." sabi naman niya. Mixed emotions ako kasi I was expecting a sweeter reply, 'yung tipong "Di siguro.. siguro higit pa diyan" then tingin sa mata ko hahaha. Pero happy naman ako. Promise. =] Bagabag nga lang ako ng very light kasi nasabi niya sakin, "wako pagpray mo ako bukas, sana makapasa ako ng interview for Libya". Natahimik lang ako at tumango. Ayoko naman maging sagabal sa future niya. Dinapuan ako ng four seasons of loneliness. Pero kailangan kong intindihin. I know makakabuti naman 'yun sa kanya. I trust him. Kailangan ko lang siguro magadjust at sana andito pa siya sa unang taon naming dalawa. =']

2 comments:

  1. aww...whatever happens, is meant to happen. just always be ready kung ano man yun na pwedeng mangyari..if ever naman baka pwedeng long distance relationship. hugs!

    ReplyDelete
  2. hugs.. thanks zai. ready naman pero minsan talaga may kabog at lungkot sa dibdib. at sana nga, if ever mangyari 'yun, makasurvive kami sa long distance relationship na 'yan. oo makakasurvive kami, =]

    ReplyDelete