Wednesday, March 21, 2012

Sampu!

We're turning 10 tomorrow. 10 months. haha. I can't help but get excited. Alam niyo naman siguro na sa ganitong mundo parang mabilisan lang ang mga bagay na ganyan. That's why I can say I'm proud of it. This is by far my longest relationship. And I'm looking forward for more months or probably years with him. =]


Dahil wala naman akong pending at para hindi mabagot sa kinauupuan ko, I made that number 10 above from a lyrics of a song. Ang cute kasi ng kanta para sa tenga ko and hopefully magustuhan din sana niya. I'll put that in a card form tapos ididikit ko sa tsokolate. Ayiee haha. For tomorrow we will be watching Hunger Games. Teka mukhang kay Katniss pala ako excited hehehe. Tapos nun dinner, tapos.. . tapos.. 'di ko pa din alam ang kasunod.  =]

Tuesday, March 20, 2012

Mango Bravo


Whenever I feel unwell (unwell meaning may topak, sumpong, masakit ang ulo, malungkot, bigo or frustrated) I crave for something to eat. Haist ang hirap magkontrol sa pagkain especially pag madalas dumalaw ang ganitong mga pakiramdam. Ngayon eto ang gusto ko... Mango Bravo! haha. Kahit isang buong cake lang, hindi naman lahat yan. =]

Iniimagine ko pa lang eating a slice of that cake, napapangiti na ko. Tapos dagdagan ng matapang at makremang kape. Ayan medyo nagiging okay na ko. Pero panandalian lang 'to. Kailangan ko 'yung tunay. Hahaha.

Food never fails me to feel okay. Kaso minsan hindi pangmatagalan ang effect. Teka. Parang may kulang. Pwede bang mag add-on? Kailangan ko ata ng kausap. Kausap para sa usapang wala lang. Kung ano lang ang pumasok sa utak. Hanggang sa matalo ng tamis ng cake at tunawin ng kape ang anumang 'di kaaya-ayang pakiramdam.


Wednesday, March 14, 2012

Times Like This

Woooooooooooaaahh! pwede sumigaw? haha. di ko alam why this day seemed toxic to me. Idagdag pa ang frequent visits ng mga raliyistang brain cells sa ulo ko. Ansakit. Amp. Advil please..


Whenever I get this feeling of being toxic, dinedemonyo na naman ako ng mga katanungan sa isip ko. "Ito ba ang gusto kong mangyari sa buhay ko?" o kaya "Kung hindi ko gagawin ngayon, kailan pa?". Naks. Seryoseryosohan daw. Right now ang gusto ko muna ay mag-unwind ng bongga. Kaso nakakalungkot naman mag-unwind mag-isa. Karamihan ng isinasama ko, kung walang oras, walang pera haha. Amp. Sawa na nga ako actually magtampo sa kanila pag 'di sila nakakasama. Iniintindi ko na lang. =]

Sana naman before matapos ang work day na ito, nawa'y mawala ang sakit ng ulo ko at maging masaya ang aking mundo haha. Looking forward na lang for a good dinner at magandang aura sa gym maya. lol!

Thursday, March 1, 2012

Bissextile Day

Yesterday, February 29, 2012, kahit marami akong pagod galing sa maalinsangang fieldwork I still decided to meet kulot. Siyempre naman. Date mode uli kami and this time siya ang taya kaya pabor sa akin hehe. As usual kain muna kami then nagkulitan lang habang hinihintay ang 10pm na screening time ng The Devil Inside. Ewan ko ba kung bakit mas peg naming manood ng horror movies kesa sweet-sweetan. Last full show na kaya konti na lang ang tao, malakas na loob naming magholding hands at sandalan. =] 


The movie was good kaso bitin nga lang talaga. 'yung tipong "yun na 'yon? tapos na?". Kaya kahit ng roll na ang credits 'di pa din kami tumayo dahil baka may pahabol pa. After 5 minutes, wala na talaga. Kaya lumabas na kami. On our way out, tingin muna ako sa harap at likod. Clear. Then stole a kiss from my wako. Smack lang naman. 'Di nga lang sakto sa lips kasi mabilisan lang talaga haha.

Ako at si Kulot. =]

At pababa na kami mula sa tuktok ng mall when we noticed these two guys, siguro ung isa early 30's and the other one on his late 30's. Magkatabi bumaba sa escalator ahead of us. Though 'di sila magkaholding hands but we felt there's something between them talaga. Something sweet. Then I asked kulot, "tingin mo aabot kaya tayo ng ganyan?" "Sana.." sabi naman niya. Mixed emotions ako kasi I was expecting a sweeter reply, 'yung tipong "Di siguro.. siguro higit pa diyan" then tingin sa mata ko hahaha. Pero happy naman ako. Promise. =] Bagabag nga lang ako ng very light kasi nasabi niya sakin, "wako pagpray mo ako bukas, sana makapasa ako ng interview for Libya". Natahimik lang ako at tumango. Ayoko naman maging sagabal sa future niya. Dinapuan ako ng four seasons of loneliness. Pero kailangan kong intindihin. I know makakabuti naman 'yun sa kanya. I trust him. Kailangan ko lang siguro magadjust at sana andito pa siya sa unang taon naming dalawa. =']