Kainis. Di ako nag-enjoy kumain. Sakit ng nguso ko! Amp.
It seems a long time ‘nung huli akong nagpost. Busy busy’han ata ako. Wala pa kaming internet connection sa bahay. At kung anu-ano ang nangyari. At may dalawang bagay na nananatili pa rin sa utak ko.. Idaan na lang natin sa memorable lines..
“Hindi ka pala makakasama sa event..”
Ang mga linyang iyan ay dulot ng epekto ng cost cutting. Kala ko ‘nung una joke lang. Totoo pala hehe. May event kasi ang company sa Timberland. Sa konting natanggal sa list, nakasama pa ko doon. Para ‘kong batang naiwan papuntang outing. Pagkatapos kong mageffort kumuha ng sizes ng polo shirts nila for the event. Amp. Di naman ako bitter. Naiintindihan ko naman kaso sayang ang libreng polo shirt. Magbabayad tuloy ako haha.
“Putang-ina mo, paano kung namatay ako?!” *pak*
Nashock naman ako dito. I was on my way home ng pagbaba ko sa sinasakyan kong FX, biglang may dumaan na motor sabay sa bukas ko ng pinto. Tinamaan ang nakamotorsiklo at sumubsob sa nakaparadang Revo. Kinabahan talaga ko ‘nun. Pagbaba ko sa FX sinalubong ako ng rider at sinabi ang linya sa itaas sabay suntok sa mukha ko. Shit! Putok ang nguso ko. I felt guilty din naman kaya hindi na ko lumaban. Mali ‘yung binabaan ko. Saka malaki kasi si kuya. No match talaga. May itsura pa naman siya hehe. Buti na lang hindi nagpasa ang mukha ko. Pinuntahan ng rider ‘yung FX driver pero tumakbo na. Ayon, di pa rin ako umalis agad at hinintay ang mga susunod na kaganapan. Gasgas ang Revo. May galos ang rider. Walang pulis na dumating. Nang nahimasmasan ang rider, nag’sorry naman siya sakin at kami’y naghandshake. Tanga ko ba? Tingin ko mas okay na ‘yun kesa magkagulo pa. Sabay walk-out pauwi ng bahay..
*sigh*
ReplyDeletekainis ka!