Tuesday, February 21, 2012

Moments of Impact

It’s our Annual Convention again. 25th year anniversary ngayon ng company. Isa ‘to sa most awaited event every year wherein selected employees of our company nationwide gather together. Muntik na nga ako hindi makasama dito dahil sa cost cutting. Thanks to my boss kasi she was able to back me up to join the event at talagang sumugod pa siya sa HR hehe. Happy ako not solely because makakasama ako but the fact naipaglaban ako ng boss ko, it was really something for me.


It was a 2D1N event held at Timberland sa tuktok ng San Mateo Rizal. Ang ganda ng venue, captivating ang view at ang class ng dating hehe.

Day 1. Ayon ng start ang event at exactly 8:00am at natapos na around 7:00pm. Nakakapagod pero naging masaya naman lalo ng ng nagpalipad na kami ng sky lanterns at nilaunch ang fireworks. Pero hindi natapos dito ang lahat siyempre hindi mawawala ang inuman. Bago ‘yun nakuha pa naming magswimming at magsauna. Actually group lang namin ang naglakas loob na gumawa nun. Sobrang saya, sa pool pa lang sumakit na tiyan namin sa katatawa sa mga kwentuhan, kulitan at siyempre di mawawala ang pichuran. After swimming we proceeded to the sauna, unfortunately nagiisang lalaki? lang ako sa group. Buti nakijoin ‘yung isa kong roommate na katulad ko din at may nakachikahan ako sa sauna. Sayang lang wala akong maaaura hahaha.

After magshower at makapagfreshen up, inuman session na. =] Umakyat muna kami sa bar too see kung marami pa bang tao at kung sino pa pwedeng maaya. Nagwarm up ng isang bote ng san mig light at pumunta na sa room. Sinimulan ang inuman proper ng pichuran. Ewan ko ba kung anung ligaya nakukuha namin kapag nakikita namin ang aming sarili sa screen ng camera. Lalo na kung may panalong pose ka pa haha. At binuksan na ang the Bar at chichirya, maya maya naki-room kami sa iba at nakiinom ng tequila, red wine at brandy pa. Sobrang kulitan. Bonding moments talaga. Dumating pa ang iba at kahit di masyadong magkakakilala enjoy lang sa inuman. Sayang nga lang ang lemon at asin, walang body shots na narating haha. Ala-una na ata natapos ang inuman, deretso na sa kwarto, dala ang saya ng kulitan.

Day 2. Sarap pa matulog pero kailangan ng gumising. May kumatok sa aming pintuan. Si Tine pala, isa sa ka’close ko sa group.

Hindi mo pa b alam?

Ang alin? sabi ko naman.

Earlier before I woke up may narecieve silang unexpected call. “Uwi na ako.. uuwi na ako.. tama na..” sabi ng friend namin sa kabilang linya. Kaagad agad siyang nagimpake. Her mom passed away. Sobrang nakakashock.

8:30am. Start of another set of lectures and activities sa convention. Ewan ko ba, sobrang affected din kami. Kung ano ‘yung sinaya namin kagabi biglang lungkot naman ng umaga. Buti na lang half day na lang ang event at nag-uwian na kami around 2:00pm. Sa aming pag-uwi madami akong napagisip-isip..


Monday, February 6, 2012

Sucker Punch

Kainis. Di ako nag-enjoy kumain. Sakit ng nguso ko! Amp.


It seems a long time ‘nung huli akong nagpost. Busy busy’han ata ako. Wala pa kaming internet connection sa bahay. At kung anu-ano ang nangyari. At may dalawang bagay na nananatili pa rin sa utak ko.. Idaan na lang natin sa memorable lines..

“Hindi ka pala makakasama sa event..”
Ang mga linyang iyan ay dulot ng epekto ng cost cutting. Kala ko ‘nung una joke lang. Totoo pala hehe. May event kasi ang company sa Timberland. Sa konting natanggal sa list, nakasama pa ko doon. Para ‘kong batang naiwan papuntang outing. Pagkatapos kong mageffort kumuha ng sizes ng polo shirts nila for the event. Amp.  Di naman ako bitter. Naiintindihan ko naman kaso sayang ang libreng polo shirt. Magbabayad tuloy ako haha.

“Putang-ina mo, paano kung namatay ako?!” *pak*
Nashock naman ako dito. I was on my way home ng pagbaba ko sa sinasakyan kong FX, biglang may dumaan na motor sabay sa bukas ko ng pinto. Tinamaan ang nakamotorsiklo at sumubsob sa nakaparadang Revo. Kinabahan talaga ko ‘nun. Pagbaba ko sa FX sinalubong  ako ng rider at sinabi ang linya sa itaas sabay suntok sa mukha ko. Shit! Putok ang nguso ko. I felt guilty din naman kaya hindi na ko lumaban. Mali ‘yung binabaan ko. Saka malaki kasi si kuya. No match talaga. May itsura pa naman siya hehe. Buti na lang hindi nagpasa ang mukha ko. Pinuntahan ng rider ‘yung FX driver pero tumakbo na. Ayon, di pa rin ako umalis agad at hinintay ang mga susunod na kaganapan. Gasgas ang Revo. May galos ang rider. Walang pulis na dumating. Nang nahimasmasan ang rider, nag’sorry naman siya sakin at kami’y naghandshake. Tanga ko ba? Tingin ko mas okay na ‘yun kesa magkagulo pa. Sabay walk-out pauwi ng bahay..