Wednesday, January 11, 2012

Heater Ba Kamo?

Morning Rush. Pahirapan na naman sumakay sa bus. Ewan ko ba bakit 'di ako sipaging makipila sa MRT. Tingin ko pa lang sa haba ng pila, parang male'late na ko hehe. Andami ko pa antok. Luckily nakaupo naman ako sa gawing dulo ng may bumaba sa NIA. May kalaksan ang aircon ng bus. Dama ko sa balat ko. At may kung anong ibang epekto pa ito. Naupo ako sa pantatluhan. I was near the aisle. At the window seat there's a "pwede na"  guy sleeping. The lady opposite my seat alighted at Kamuning station. I noticed this guy sleeping at the opposite window seat. He was facing the window kaya hindi ko mamukhaan. Based on his physique, he looks.. yummy hehe. Siguro nasa may Aurora na kami ng gumising siya at nasilayan ang itsura niya. Pwendeng pwede. Kumambyo sandali at natulog ulet. =] I took a photo of his awkward position pero bigo ang 1st and 2nd try. Then for the 3rd time, ayun pwede na, di nga lang nasali ung face haha. Ayan siya..


Mukha lang bang giniginaw o ano? hehe. Phone cam lang ang gamit ko kaya di masyadong kagandahan ang kuha. Saka nakakakaba kumuha ng ganyang uri ng stolen shot. Nawala antok ko. =p

Kating-Kati.

Kating-kati na naman ang paa ko pumunta sa kung saan. Tila sinasaniban ako ng espiritu ni Dora. Gusto ko mag'out of town! Somewhere close to nature. Kahit overnight lang. Kaso ang problema wala pang ibig sumama. Ang hirap magrecruit hehe.

Nagsearch ako ng posibleng puntahan na malapit lapit lang at hindi masyado magastos. 'yung tipong kaya ng isang araw lang. After ng masusing paghahanap sa tulong ni Google, aking natagpuan ang isla ng Borawan.

This Island, part of Padre Burgos in Quezon Province features an area of whitesand beach resembling that of the famous Boracay Island and abounds with natural rock formations of interesting shapes and sizes that looks like Palawan Island, so has its name taken from both: BoracayPalawan - Borawan. (http://www.flickr.com/photos/contrails01/4424988396/)
Isn't it lovely? wahaha. Tara na. It's more Fun in Borawan. =]

For more info kasama ang travel budget sa islang ito, pakibisita na lang ang blog ni pinoy adventurista, salamat sa kanya for sharing this: http://www.pinoyadventurista.com/2010/10/borawan-and-dampalitan-beaches-in-padre.html. Another link from pinay travel junkie: http://www.pinaytraveljunkie.com/2010/04/borawan-and-dampalitan-beach.html

Wednesday, January 4, 2012

Christmas Parties At Exchange Gifts

Una sa lahat, Happy New Year muna sa inyo. =] Medyo matagal din kaming hindi nagkadaupang daliri ng keyboard ko para makasalamuha ang internet. Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon hindi masyadong uso sa lugar namin sa probinsiya ang teknolohiyang ito. Hassle talaga.

At dahil katatapos lang ng Pasko at Bagong Taon, samu't saring biyaya ang aking natanggap kasama na ang mga regalo mula sa nakakatuwa at minsang nakaka-disappoint na exchange gifts. =]

1. Unang exchange gift. Clan Christmas Party. Naisipan ko kasing magbalik loob sa clan. Nakakamiss din kasi ang kakaibang social life dun. Siguro mga 4 days pa lang akong member ng ginanap ito. At ngayon ay quit na ko hehe. Eto ang aking natanggap mula sa aking monito. (PS aliw ang venue, Shakeys Malate, panalo sa mga service crew)

2. Short Table Christmas Party. Eto ang samahan ng mga mahihilig magkape sa opisina namin. Siyempre ang venue sa Starbucks Galleria. Isang dosena kami, binubuo ng mga kababaihan, babaeng lalake at akong nagiisang pusong babae haha. Happy naman ako sa natanggap ko alinsunod sa aking wish list. Surprise na lang na paborito ko 'yung kulay ng timbangan.


3. Beki and Friends Christmas Party. Eto 'yung mga beki friends ko from clan na naging ka'close ko na talaga na kahit dissolved na ang clan, nanatili ang friendship namin. =] Naganap sa La Mesa Grill Trinoma. Apat lang kami, wala pang regalo 'yung isa amp haha. Salamat sa undies. At sa mug, salamat na din. Sa susunod ban na ang mug. Haha.


4. Department Christmas Party. As usual nagdominate pa din ang kulay kahel sa mga regalo ko. Nagkaroon kami ng simpleng salu-salo sa Mesa Timog, sagot ng aming Boss at inuman sa Centerstage na humirit pa sa Quattro, patak patak mode. Happy naman, mas masaya san kung tulad pa din ng dati, kumpleto kami.


5. Christmas Dinner with my Wako. After paikot-ikot sa Galleria, sa Kenny's kami bumagsak. Siyempre may naganap ding palitan ng regalo. After kong mag-panic buying ng undies, may humabol pa haha. Dagdag sa koleksyon. After the dinner, we went to my place. Alam na hehe. I love you wako. =]


6. Ang huling regalo, regalo ko sa sarili ko. Hahaha. Kapalit nito ay more sikap at tiyaga na pagtatrabaho. More pasensya sa sweldo haha. Para may remembrance man lang sa nagdaang bonus na parang nagdrive thru lang sa account ko. =]


Ayun na lahat. Ang hindi lang kasali diyan ay ang aginaldo sakin ni ermats. Maraming salamat sa lahat ng blessings, tangible at intangible hehe. More blessings pa sana ngayong 2012. Godbless sa lahat! =]