Sunday, April 1, 2012

CluT tE ReD

Ang daming laman ng ulo ko ngayon pero I can't collate them together to make a good post. Too many topics pero walang katawan. I don't how to elaborate pero gusto kong ilabas. Pero sige na nga. I'll try.



Topic 1:

How can you assess kung happy ka pa sa work mo? Actually hindi ko nga alam. I like the work atmosphere (sometimes hindi masyado haha), okay at masaya kami ng mga katrabaho ko and I have a good boss. Ang ayoko lang 'yung sahod haha. Saka maliit lang 'yung nakikita kong room for improvement here. Parang pang bedspacer lang, u-belt style.

There are times kasi na pag-pinaguusapan na 'yung career parang lumulubog ako ng very light lang naman lalo na pag-usapang sweldo. Pwede bang next topic na lang? Haha.

Topic 2:

Will you pursue a friendship when you feel that its not healthy for the both of you? Now, I am not really comfortable with our set-up and I think ganun din siya. I am partnered and all I wanted is friendship. At alam niya 'yun. I  think he's just hopeful that one day things will turn on his favor kaya siguro he keeps on holding on.

I really like to make friends especially sa mga taong katulad ko. Feeling ko kasi hindi ako istranghero and we can relate to each other. I'm so thankful naman nung nakilala ko siya, and one of the things na pinasasalamatan ko is 'nung inintroduced niya ko sa circle of friends niya. Masaya silang kasama and i really enjoy their company. Napalapit na din ako sa kanila kaso kasi minsan I feel na ginagawa na niyang dahilan 'yung mga friends niya para pumayag ako sa gusto niya.


Topic 3:

Living inside the closet. Nasa loob pa rin ako ng aparador pero bukas na ang pinto haha. Hindi kasi kumpleto ang saya kapag nasusuffocate ka na ng naptalina. The hardest part eh 'yung umamin ka sa pamilya mo na mag-aapat na taon ko nang pinaghahandaan. Ang dami kasing nagiging limitasyon, ang daming pwedeng masaktan. Pero kailan pa Keso? Kailan pa?

Minsan sabi ko na lang sa sarili ko, kailan kaya ako icoconfront ng magulang ko at sasabihin saking, "Anak, wag ka sanang mabibigla, pero isa kang bakla.."

At sana nga, kahit sa anung paraan man nila matuklasan ang lihim ko, maging okay pa rin ang lahat. =']