Monday, October 1, 2012

WALLFLOWER


Last Sunday, I got a chance to watch this nice movie. Actually I have a copy of the book kaso nga lang hindi ko alam kung bakit tinamad akong basahin siya, kaya napunta sa hiraman at inabutan na ng showing sa sinehan. Kala ko 'nung una boring din 'yung movie pero hindi pala. Okay ang cast, ganda ng story. Nakakabata ng feeling, and siyempre 'di ko maiwasan magkaroon ng regrets sa mga bagay na hindi ko nagawa when I was younger. Hindi ko na siya ikukuwento, try to watch it or read the book na lang. Masusulit naman ang time mo. =]

Bakit nga ba wallflower? At first malabo pa sa utak ko kung ano ang ibig sabihin niyan. Para sakin eto 'yung taong parang palamuti lang na hindi kapansin-pansin. When I googled the meaning of this eto ang sabi from urban dictionary - 1. a type of loner. seemingly shy folks who no one really knows. often some of the most interesting people if one actually talks to them. cute. 2. Someone who isn't necessarily shy, but never really tells you a lot about themselves. They observe almost everything and listen to everything you have to say without criticizing or judging. These people are often the most sincere, kind, and wonderfully interesting people, yet fail to be attractive to the opposite sex for some reason.

Bigla ako napaisip, Am I a Wallflower? Oo, sabi ng utak ko. At most instances naman, I feel unnoticed, tipong andiyan lang madalas sa background. Looks boring. Thanks to all the people na tunay na nakakakilala sa akin. Pero meron ba talagang perks ang pagiging wallflower? In my case siguro, they see me as the innocent one, tipong mabait at walang kalokohan sa buhay. Pabor sakin kaso minsan hindi rin. Another thing is that I am emotionally and intellectually honed understanding other things and other people. Feeling ko lang naman hehe. Pero the sad part is that, when you are always the one who understands but oftentimes misundertood. Sigh. Meron pa ba? Wala na ko maisip pang perks. Ikaw, wallflower ka ba?

Tuesday, September 18, 2012

Bigo.


Waaaaaaaaaaahhh.. Loser ako sa mga kaganapang ito. Kahit isa man lang wala akong napuntahan. Nauna na ang Bench Universe. Wala kasi akong mahilang kasama kaya nganga lang for 2 nights of their show. Sayang R-18 pa naman haha. Kaya ayun google na lang ako ng mga pics from the show.

Ngayon, September 17. Sabay ang Cosmo Bachelor Bash at concert ng Maroon 5.  I’m not that positive naman na makapunta sa Cosmo dahil ilang pa ko umatend ng ganitong event. Baka lang kasi magkaroon ako ng lakas ng loob hehe. For Maroon 5, aside that this is one of my favourite bands, gusto ko namang makita sa tunay na buhay si Adam Levine. Para kasing ang yummy yummy niya wahaha. Lakas pa ng sex appeal. Kaso lahat ng ito’y magiging alala na lang =[. Wala kasi ko nakuhanan ng tickets. Wala ding nagbigay. Aww.




Last chance ko na ang UAAP cheering competition pero hanggang ngayon wala pa rin ako ticket. Parang ‘di ko na kayang pumiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiila ng sobrang aga at makipagsiksikan on the day of event just like the old times. I feel old for this event. Pero mukhang mag-eenjoy pa naman ako kaya keri lang hehe. At kung sino man ang pwede bilan (okay lang may patong basta wag lang bwakaw makatubo) or magbigay ng ticket diyan, tweet niyo lang ako @akosikeso =].

Tuesday, September 11, 2012

Grandparents Day


Last week pala ay Grandparents day. Di ko lang sure what’s the exact date hehe. Salamat kay tita Charo for their tribute episode for grandparents. The story is touching. The story is about the lolas who are competing with each other to be the best lola. Pag nagkaroon ka raw pala ng apo, it’s like having your own child at kung minsan mas higit pa. Mas pampered, mas spoiled. Siguro namimiss nila ‘yung mga times na bata pa ‘yung mga anak nila. I guess they are longing for that feeling na may nilalaro sila, may nilalambing, may niyayakap-yakap, hinahalik-halikan na hindi na nila magawa sa mga anak nila dahil ‘di na sila bata.


Sabi ni ermats, isa raw ako sa paboritong apo ni lolo at lola (erpats & ermats ni ermats). Unfortunately, hindi ko na naabutan ang lolo ko ‘nung lumaki ako kaya ‘di ko masyado matandaan. Kay lola, naramdaman ko namang paborito ako. And even she already passed, isa ko sa mga piling apo na dinadalaw niya sa panaginip hehe. Ulila na ko sa lolos at lolas. Nakakamiss sila.

Balik kay tita Charo. Nang matapos ko ung episode na ‘yun, narealize ko na gusto kong bigyan ng apo yung parents ko, ‘di dahil sa gusto ko rin magkaanak kundi dahil gusto kong ipadama uli sa kanila ‘yung feeling na meron silang inaalagaan, nilalaro, at yung simple yet naguumapaw na kasiyahan sa pagmamahal ng isang bata.

Kaso ang malaking katanungan, PAANO at KANINO?? Masyado pa siguro matagal kung ipauubaya ko ‘to sa kapatid ko na katorse anyos pa lang haha. Siguro, habang iniisip ko kung paano maisasakatuparan ‘yan, what I can do for now is show to my parents how thankful I am for having them, and give the love back and make them feel that they are still needed even I’m a grown-up. =’]

Wednesday, September 5, 2012

THE PHOTOGRAPHER


Petiks day today. Hindi dahil sa wala kaming boss, wala na talaga ko gagawin. As usual I resorted to cyberslacking. Habang naghahalukay nang kung anu-ano sa cyberspace, searching for random images, I landed at BJ Pascual’s blog. That name sounds familiar to me. Parang nabasa ko na name niya before but I don’t know who really is. As I remember he’s a photographer. A successful one.

I browsed his posts and I was captivated by his shots. Celebrity photographer pala siya. May buhay ‘yung mga kuha. Kasi kahit ‘yang nakapark na bulok na truck na 'yan parang may gustong sabihin. Nagiging artistic. Kuha pala niya niyan.


Nafrustrate na naman tuloy ako haha. Being a photographer is one of my frustrations. It’s like I want to make a story in every click of the shutter. Appreciate any subject and show beauty even in chaos and disfigurement. Feeling ko mas maeexpress ko ‘yung sarili ko. And I will surely be enjoying doing this.

Siyempre hindi mwawala ang fantasy ko to do a photoshoot with good looking people. Specially kung ang tema ay mala-bench body or cosmo bachelors. Kahit minimal lang ang bayad okay lang sakin haha.

Well, seriously I have plans of taking photography class kaso wala pa talagang budget. Camera palang, parang ilang taon ko pang pag-iipunan. Sponsors? Kahit used camera basta working tumatanggap ako haha. And sana pag may bonggang camera na ‘ko maturuan din ako ni BJ ng photography techniques. =]

Sunday, August 26, 2012

AUGUST


It's been a looooooooong time na hindi ako nakapagsulat sa blogelya ko. Bakit nga ba? Una, wala na akong matinong internet connection, pangalawa busy busyhan daw ako at pangatlo tinatamad lang ang mga daliri ko na i'type at proseso ang laman ng isip ko. Namiss ko blogosphere lalo na 'yung mga iilan kong readers at followers na nakakaututang dila ko. Sana andito pa rin sila. =]

So far so good pa naman ako. Pero not that good ata. August is a very good month for me. Aside sa maraming holidays ang buwan na ito this year, every August, I am blessed to celebrate another year of my life. Kasabay ko pang nagcecelebrate si Madonna at ate Vanessa Carlton haha. So this year, inenjoy ko talaga ang araw ko. We went to Bohol at tumakas muna sa buhay ko sa kalakhang Maynila. Naging okay naman ang lahat, kasama ko si ermats at ang friend kong si Heidi kaso absent si partner. Haist. Pero ganun talaga eh. Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa buwis buhay na snorkeling na yan at underwater  pictures. Sa ngalan ng pictures naka-isang pitsel ata akong tubig dagat na pumasok sa kung saan saang butas ng ulo ko. Di naman ako takot sa tubig pero pag hindi na nararamdaman ng paa ko ang seafloor nag-aauto play ang panic attack sa system ko. Kaya siguro hindi ako natutong lumangoy. =D

I feel August is a special month for me. Ganun siguro talaga pag birth month mo. Kahit medyo strange ang pakiramdam ko ngayon at a bit paranoid, August will remain special for me.

Sunday, April 1, 2012

CluT tE ReD

Ang daming laman ng ulo ko ngayon pero I can't collate them together to make a good post. Too many topics pero walang katawan. I don't how to elaborate pero gusto kong ilabas. Pero sige na nga. I'll try.



Topic 1:

How can you assess kung happy ka pa sa work mo? Actually hindi ko nga alam. I like the work atmosphere (sometimes hindi masyado haha), okay at masaya kami ng mga katrabaho ko and I have a good boss. Ang ayoko lang 'yung sahod haha. Saka maliit lang 'yung nakikita kong room for improvement here. Parang pang bedspacer lang, u-belt style.

There are times kasi na pag-pinaguusapan na 'yung career parang lumulubog ako ng very light lang naman lalo na pag-usapang sweldo. Pwede bang next topic na lang? Haha.

Topic 2:

Will you pursue a friendship when you feel that its not healthy for the both of you? Now, I am not really comfortable with our set-up and I think ganun din siya. I am partnered and all I wanted is friendship. At alam niya 'yun. I  think he's just hopeful that one day things will turn on his favor kaya siguro he keeps on holding on.

I really like to make friends especially sa mga taong katulad ko. Feeling ko kasi hindi ako istranghero and we can relate to each other. I'm so thankful naman nung nakilala ko siya, and one of the things na pinasasalamatan ko is 'nung inintroduced niya ko sa circle of friends niya. Masaya silang kasama and i really enjoy their company. Napalapit na din ako sa kanila kaso kasi minsan I feel na ginagawa na niyang dahilan 'yung mga friends niya para pumayag ako sa gusto niya.


Topic 3:

Living inside the closet. Nasa loob pa rin ako ng aparador pero bukas na ang pinto haha. Hindi kasi kumpleto ang saya kapag nasusuffocate ka na ng naptalina. The hardest part eh 'yung umamin ka sa pamilya mo na mag-aapat na taon ko nang pinaghahandaan. Ang dami kasing nagiging limitasyon, ang daming pwedeng masaktan. Pero kailan pa Keso? Kailan pa?

Minsan sabi ko na lang sa sarili ko, kailan kaya ako icoconfront ng magulang ko at sasabihin saking, "Anak, wag ka sanang mabibigla, pero isa kang bakla.."

At sana nga, kahit sa anung paraan man nila matuklasan ang lihim ko, maging okay pa rin ang lahat. =']




Wednesday, March 21, 2012

Sampu!

We're turning 10 tomorrow. 10 months. haha. I can't help but get excited. Alam niyo naman siguro na sa ganitong mundo parang mabilisan lang ang mga bagay na ganyan. That's why I can say I'm proud of it. This is by far my longest relationship. And I'm looking forward for more months or probably years with him. =]


Dahil wala naman akong pending at para hindi mabagot sa kinauupuan ko, I made that number 10 above from a lyrics of a song. Ang cute kasi ng kanta para sa tenga ko and hopefully magustuhan din sana niya. I'll put that in a card form tapos ididikit ko sa tsokolate. Ayiee haha. For tomorrow we will be watching Hunger Games. Teka mukhang kay Katniss pala ako excited hehehe. Tapos nun dinner, tapos.. . tapos.. 'di ko pa din alam ang kasunod.  =]