Wednesday, December 31, 2014

2015

Di ko alam kung matutuwa ba ko sa darating na bagong taon. Siguro. O dapat lang. Kasi hindi ko naman talaga siya mapipigilan. Hindi naman siya hihinto para sa aking lang.

Feeling ko magiging mas challenging ang taon na ‘to. Kinakabahan ako. Natatakot. Siguro dahil naging masaya ko, pero sa pagdating ng panibagong taon, maari itong mawala. Siguro rin dahil kailangan ko nang sumubok ng mga bagay na hindi ako sanay.


Ang gusto ko lang sa huling araw ng taong 2014, maiwanan ko lahat ng worries ko, i-enjoy ang mga posibilidad ng pwedeng mangyari sa susunod na taon at sanayin ang sarili na mag-isip lang ng sapat. Tigilan na muna ang mga what ifs, at maging masaya na lang muna kung ano ang meron.

At sana ganun lang nga kadali lahat 'yun. Kasing dali ng pagkurap ng mata. Kasing dali ng paghinga.


Tuesday, September 16, 2014

Over & Under


Overwhelmed na ko sa work. Madalas nang nagkakasabay sabay yung functions ko. Hindi ko alam kung kaya ko naman talaga or nadedemotivate lang ako. Pero tingin kaya ko naman eh. Multitasker naman ako (?). It's just that I feel under compensated. I started working for a second function 18 months ago but still wala akong nararamdamang pagbabago aside from my additional workload. Oh well, may nabawas naman, kaso 'yung isa pa sa pinakanag-eenjoy akong ginawa. Ang pagtravel. Fieldwork. Madalas tuloy napapaisip ko if I am still working well or di ko na nagagawa ng maayos job ko. Pwede naman sanang sabihin. Sa previous assessment naman sakin, I'm working good naman daw. So ano kaya?

Ang direction ngayon ng company namin is towards rendering high fidelity experiences. Eh ako mismo feeling ko di ko naman 'to natatanggap ngayon sa company, kaya siguro feeling ko nabibigatan na rin ako.

Okay naman ako sa mga katrabaho ko. Masaya ko sa kanila. Mabait naman yung boss ko. Masyado lang kaya siyang busy? Pero 18 months na eh. Wala naman ata akong hinihintay. Over due na ata ang paghihintay ko. Hanggang sa career ba naman eh waiting in vain ako? Undervalued? Ewan. Thankful naman ako for new learning and experiences pero hindi naman sana puro ganun lang. Di ko naman maipangbabayad 'yan sa renta ng bahay, credit card bills at daily expenses ko.

May point naman siguro 'tong grievance ko noh? Hehe. Sorry dito ko pa lang kayang sabihin. Ewan ko kung bakit wala akong lakas ng loob. Mahina ako sa confrontation.Sabi ko na lang tapusin ko na lang hanggang end of the year which will mark my 5th year in the company. Galaw galaw na siguro ko. I need to move on. I need to support my sister na rin kasi for her schooling. Matanda na for work si erpats. Picture pa lang din ang dream house ko. I can't even buy a new quality laptop.

Plan A. Magaabroad na lang muna ko. Sana swertehin ako dun para makapag-ipon. Mag hosto kaya ako? Kaso over qualified ako hahaha. Jk. It's the other way around. :P

Plan B. Maghahanap na lang ako ng higher job offer dito sa Pinas. Hindi pa ko malalayo sa family ko. At sana ganun lang kadali 'yun. Pero hindi eh. Hindi. Sigh.

Eto na talaga ang tunay na buhay. Nasan na ba 'yung magiging katuwang ko? Haha. Don't worry di naman ako aasa sa'yo. Alam ko na may iba ka pa ring priorities. Okay na sakin na isa ka sa magiging inspirasyon ng pagsisikap ko. :) 'Yung kahit pagod na pagod ako, makita lang kitang okay at masaya, solb na ko. 'Yung maramdaman ko lang na masaya ka for having me, may oras ka sa akin at sure tayong dalawa na minamahal natin ang isa't isa, sapat na sakin 'yun.


Teka. Lovelife chapter na ata ang kuda ko. Next post na lang uli. Gumaan naman na pakiramdam ko kahit papaano. Tulog na muna ko. Goodnight. :')



Image Source: https://plus.google.com/+BrewerDigitalMarketing/about

Sunday, September 7, 2014

ENTANGLED


Every beat feels so good

No words to explain

This blissful mood

A scalene of cruel chance

Now & yesterday

Gone out of hands

Love is what I'll fight for

Embrace me Now,

Don't let me go.

Sunday, August 31, 2014

Espesyal


August. Dahil siguro ito 'yung birth month ko kaya espesyal para sa akin ang buwang ito. Pero ngayong taon, hindi lang siya espesyal. Maybe one of the most memorable.

This month, I personally met someone. We've been following each other on social media for more than a year or two prior to our meet up. Support buddies pa nga kami eh. Everything went well on our first meet up. Magaan ang loob ko sa kanya and I can say that time I already like him.

Nagkita pa kami uli for the second time. Mas komportable sa isa't isa. Masaya sa mga kwentuhang hindi ko na matandaan. All I can remember was I'm with him and he's with me. Happy. We spent the night together and it was so much special. At nasundan pa uli iyon. Sabi ko sa sarili ko, sakin na lang siya. There's something that makes him so special to me.

Kaso may mga bagay na planado na. Minsan nagiging komplikado ang hindi naman dapat. Alam ko naman bago pa 'yung second time kami nagkita may gusot na. Pero minsan lang ako makaramdam ng ganun. Sobrang sarap sa pakiramdam. Kaya I took the risk. Hopeful ako na pwede pa namang maging okay ang bagay bagay sa aming dalawa. Kung hindi man ngayon, siguro darating din ang tama naming panahon. :')




Wednesday, August 27, 2014

Thursday, December 26, 2013

Tuliro

What to write? Hmmm... Nothing in particular..

Gusto ko lang sana ng kausap. Or kahit makikinig lang. Di ko alam why i feel so emotional right now. Natrigger ata ito ng pagdating ng 2014. Siguro kasi ang dami ko pang gustong mangyari sa buhay. Marami pa ko gusto maexperience at matupad. Marami pang hindi natutupad.

Magulo utak ko ngayon. Sabi niya, gusto ko na ng bahay na may malaking banyo. Gusto ko ng trabahong tutupad sa mga pangarap ko. Gusto ko ng malaman ng pamilya ko kung ano ako. I want to be free. I want to help my family support my sister. Gusto kong maenjoy na parents ko 'yung pagtanda nila. Gusto kong magkaroon ng anak. Gusto kong maging tatay. Gusto ko magkaroon ng masayang lovelife. Gusto kong maging priority. I want someone who'll look after me. Someone I can look after too. Someone na mararamdaman ko na di ako mag-iisa. Gusto ko magkaroon ng magandang buhay, ng masayang buhay. I want to feel normal. I want a happy normal life.

Ang dami kong gusto pero parang mas marami atang mga holdbacks sa tabi ko. Takot ako mareject. I don't want to disappoint my family or loved ones. I'm afraid of risks. Ayoko na ng heartaches. Ayoko makasakit. Ayoko mapahiya. I don't want to be a failure. Parang mahirap makuha ang complete happiness. Maraming villains, wicked witches at obstacle course.

Next year, bente otso na ko. Malapit ng grumaduate ang edad ko sa mga numero ng kalendaryo. Pero parang kulang na kulang pa ng achievements ang buhay ko. Madalas pa rin 'yung mga gabing maraming tatakbong issues sa isip ko. Nights of emptiness and longing. Emptiness dahil di ko maintindihan ang nararamdaman ko? Longing for something na natunghayan ko lang sa buhay ng iba. Na sana, maranasan ko rin. Alam ko naging mabait naman akong tao.


But don't get me wrong. I feel blessed pa rin naman. Hay ang gulo ko, basta. Blessed in other ways. Hindi lang siguro sa paraang gusto ko. Hope mag-intertwine na lang yang mga ways na 'yan para lahat masaya. Kayo ng bahala Bro sa'kin ah. Hope this coming year would be a lot better. I'm not asking naman po for better things. I WANT A BETTER ME. A better me na mas malakas ang loob, mas matapang at mas matatag. Mas nag-iisip at less emotional. So please help me Bro. :')

Saturday, December 7, 2013

dou.(b).ghnu.ts


Matagal akong nawala sa mundo ng blog. Ewan ko ba kasi bakit ang hirap mag-upload ng pics sa laptop ko kaya madalas kinatatamaran ko na magpost. Anyways, di tungkol diyan 'tong post ko. Kwento ko na..

It's his birthday. 7th of December. Di ko alam how to surprise him or kung ano 'yung pwede ko gawin to make him happy considering nasa Libya siya at andito ako sa Pinas. Our only communication is through twitter, fb and bbm. Walang calls o kahit skype. Tapos 2015 pa balik niya. Ang hirap pala.

I got out late sa office dahil may extra curricular activity pa kaming ginawa. I thought of buying a cake for him then picturan ko na lang saka ko ipadala sa kanya. Unfortunately, wala na ko naabutang cake (meron naman pero mukang di masarap at di attractive hehe) at biglang naisip ko ang doughnuts. We used to buy doughnuts before nung dito pa siya, kaya i thought may sentimental value ang doughnuts. So pinagana ko ang utak ko kung paano siyang magmumukang special and somewhat personalized. Salamat sa mga pink and glittery number candles na nadayo ko pa sa kung saang branch ng nbs at photo editor sa phone ko. Poof! 'Yan ang kinalabasan. So I posted the pic on twitter and I got excited kung ano magiging reaction niya. He favorited it and message me naman. Kaso parang may kulang. Actually hindi ko rin alam kung ano. Because of that, every now and then I checked his fb timeline. Mukang wala ata dun 'yung hinahanap ko.

Dahil sa kahahanap ng di ko alam, bumagsak ako dito sa isa sa mga wall posts niya.


Bigla lang ako napaisip. Ako ba 'to? Di kasi baby ang tawagan namin. This was posted 2 days before his birthday kaya inisip ko, may ginawa ba kong something two days ago? Wala ako maalala e. So I browsed the comments under that post, and this comment below got my attention.


Bigla may sumipang kung ano sa dibdib ko na mas malakas pa sa espresso shots. Pero kinalma ko pa rin ang sarili ko. I checked the other comments and there are few likes kasama yang message na yan. Then I wonder kung sino ang naglike baka kasi common friend lang nila. Pero hindi pala. It was him. So.. mula ng mabasa ko yan kanina hanggang ngayon di pa rin ako mapakali. Am I acting normal? O praning lang ako? Gusto ko sanang itanong kaso ayoko naman umepal muna sa special day niya. Haay. Ako ata ang nasurprise sa ginawa ko. Kung false alarm lang ito, sana pagising ko bukas, extinguished na itong sipa sa dibdib ko..